Juan Manuel Marquez nasa PH na

DUMATING na sa bansa si World Boxing Organization (WBO) at World Boxing Association (WBA) lightweight champion Juan Manuel Marquez.

Sakay ng Philippine Airlines (PAL), lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang sinasakyang eroplano ni Marquez mula sa Los Angeles, California

Ang pagdating sa bansa ni Marquez ay bilang pagsisimula ng promotional tour ng kanilang matinding sagupaan ni Manny Pacquiao.

Kasama ni Marquez sa press tour sina Top Rank Promotions President Bob Arum at Hall of Famer Nacho Beristain.

Kaugnay nito, nakalatag na ang itinerary ng Mexican warrior sa kaniyang apat na araw na pagbisita sa bansa.

Mula sa airport, dumiretso ang buong entourage nito sa Manila Hotel na siyang magsisilbing official residence ng Team Marquez.

Ngayon hapon, Setyembre 1, nakatakdang magbigay ng courtesy call si Marquez kay Manila City Mayor Alfredo Lim.

Inaasahan din ang pagbisita nito sa Mexican embassy para sa isa pang courtesy call sa kanilang ambassador.

Sa Sabado Setyembre 3, gaganapin ang sabayang press conference nina Marquez at Pacquiao sa Luneta Park.

Sa Linggo, dadalo sa misa si Marquez sa Manila Cathedral at magsisilbi rin itong guest of honor sa pagsisimula ng World Pool Master sa bahagi ng Quezon City.

Ang Pacquiao-Marquez Part III ay gagawin sa Nobyembre 13 sa MGM Grand Arena, Las Vegas, Nevada. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply