Judge pinakakasuhan ni VP Binay

PINAKAKASUHAN na ni Vice President at Housing Czar Jejomar C. Binay sa Home Development Mutual Fund (Pag-Ibig) ng kasong administratibo sa Korte Suprema si Pasig Regional Trial Court Judge Rolando Mislang.

Ang pagsasampa ng kaso ay makaraang magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) si Judge Mislang na humaharang sa Department of Justice (DoJ) para magsampa ng syndicated estafa charges laban sa Globe Asiatique (GA) owner na si Delfin Lee at apat na iba pa.

Ayon sa Pangalawang Pangulo, ang ginawa raw ni Mislang ay hindi lamang pagpigil sa hustisya kundi hinahadlangan nito ang anti-corruption campaign ng Aquino administration.

Sinabi ni Binay na hindi niya hahayaan na isang tao ang haharang para makamit ang katarungan para sa mga libu-libong tao na nabiktima ni Lee.

“Nakakahiya. Isa siyang malaking sagabal sa proyekto ng ating Pangulong Noynoy Aquino laban sa graft and corruption,” ani Binay.

Kamakilan ay inatasan ng Supreme Court’s Office of the Court Administrator (OCA) si Pasig City Judge Mislang na ipaliwanag ang inilabas nitong TRO.

Ayon kay Court Administrator Jose Midas Marquez, nakatanggap na sila ng ilang impormasyon at reklamo laban sa huwes kaya ibig niyang marinig ang panig nito.

Ang syndicated estafa ay kabilang sa mga kasong hindi maaring mapiyansahan. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply