Jueteng ipinasusugpo kay Bartolome

HINAMON ni CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna ang liderato ng Philippine National Police (PNP) na tuluyang buwagin ang jueteng operation sa bansa.

Ang paghamon ay ginawa ng kongresista sa gitna ng pahayag ng bagong talagang PNP Chief na si Deputy Director General Nicanor Bartolome ukol sa “one-strike policy” laban sa sugal partikular sa jueteng.

“This is a big challenge for the Chief, and his one-strike policy against the illegal numbers game will spell the difference in his watch as PNP head,” sinabi ni Tugna.

Giit pa ni Tugna na ang jueteng ang ugat ng katiwalian sa hanay ng pulisya at kung masusugpo ang sugal na ito ay mababawasan din ng korapsyon sa PNP.

Kasabay nito ay nagpahayag ng suporta si Tugna kay Bartolome.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply