Jueteng tututukan din ng bagong PNP chief

NASA listahan din ng bagong Philippine National Police chief Deputy Director General Nicanor Bartolome ang pagpuksa sa operasyon ng jueteng at illegal gambling bilang parte ng kanyang anti-crime program kahit hindi ito nabanggit ni Pangulong Benigno Aquino III sa ginanap na “turnover of command” nitong nakaraang Biyernes, Setyembre 9.

Sinabi ni Bartolome na naiintidihan niya na isa sa kanyang tungkulin ay habulin ang lahat ng mga lumalabasg sa batas kabilang ang illegal gambling tulad ng jueteng.

“Anything that has something to do with violations of the law should be included in my function. Hindi lang sa carnapping, hindi lang sa droga, hindi lang street crimes. Lahat ng violations of the law,” sabi nito nang tanungin kung ipatitigil niya ang operasyon ng jueteng sa bansa.

Nito lamang Biyernes, pinalitan ni Bartolome bilang hepe ng PNP si Director General Raul Bacalzo na nauna nang nagretiro.

Inasatan ni Pangulong Aquino si Bartolome para habulin ang mga tinik sa lipunan na mga carjackers, drug pushers at street criminals.

“The president could not expressly mention jueteng because he already had a lot of important things to say,” pahayag ni Bartolome.

Sa panig naman ni Aquino, sinabi ng Malacañang na hindi na kailangan banggitin pa ni Pangulong Aquino ang jueteng dahil inaasahan  naman nito ang kapulisan na habulin ang mga lumalabag sa batas.

“Kasama ‘yan sa marching orders ng Pangulo. Pulis ang nag-e-enforce ng batas. Kung anong sabi ng batas na hindi naaayon kailangan labanan ‘yan,” pahayag ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte. Robert C Ticzon

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply