Juvenile Justice Law sususpendihin ng Senado

PANSAMANTALANG sususpendihin ng Senado ang pagpapatupad ng Juvenile Justice and Welfare Act (JJ Law) sa paniniwalang hindi natugunan ng batas ang pagpapaunlad at rehabilitasyon ng kabataan na nasasangkot sa mga krimen.

Sa interview bago mag-sesyon ngayong Lunes (Setyembre 12), sinabi ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na kailangan nang suspendihin ang JJ Law dahil sa halip na lutasin ang problema sa kabataan, naging instrumento pa ito ng ilang indibiduwal at sindikato sa paggawa ng krimen.

“Maraming problema ang aming natanggap mula sa barangay at local government units in the implementation of the law. They are helpless in enforcing the law because of lack of funding and infrastructure for rehabilitation of youth offenders,” ayon kay Escudero.

“We go negative effect on the law, which was patterned from existing laws of other countries which has the capability, funds and infrastructure to rehabilitate and give welfare for their youth offenders,” giit pa ni Escudero.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, sa JJ Law, awtomatikong hindi kakasuhan ang sinumang kabataan na may edad 15 pababa kapag nakagawa ng krimen, at sa halip “pauuwiin” nang kaukulang kaso alinsunod sa itinakda ng batas.

Ngunit, ayon kay Escudero, nagkakaroon ng problema sa ganitong sistema dahil nagagamit ang kabataan sa paggawa ng krimen partikular ang nasasangkot sa bentahan at distribusyon ng droga.

“We want to suspend JJ Law (Juvenile Justice Law) because there are no funds for infrastructure and rehabilitation of youth offenders. Suspensiyon lang ang nais namin kasi nga walang infrastructure to support the law,” paliwanag ni Escudero.

Aniya, ibabalik ang sistema sa lumang batas na nagbibigay kahalagahan sa kabataan na may edad siyam (9) na taong gulang pababa na exempted sa anumang krimen di tulad, pumapasok sa ganitong pamamaraan ang kabataan na may edad 18 taong gulang pababa.

“Sa dating batas,  puwedeng ikulong at hulihin, ngayon hindi mo puwedeng ikulong,” ayon kay Escudero.

Napatunayan din ng committee on justice and human righs na ginagamit ng sindikato ang kabataan bilang tagadala, taga-benta at taga-pamahagi ng droga dahil nalalaman ng sindikato na hindi mahuhuli ang kabataan sa anumang responsibilidad at makaliligtas sila sa krimen.

Sakaling maaprubahan ang resolusyon, sinabi ni Escudero na kapag nakagawa ng anumang krimen ang kabataan na may edad 18 taong gulang pababa, maaari na itong hulihin, ikulong at ilagay sa rehabiliasyon at kung makarating sa edad na 18 taong, saka lamang rerebyuhin ng korte ang kaso, kung itutuloy o hindi, depende sa resulta ng rehabilitasyon na pangangasiwaan ng isang ahensiya ng gobyerno.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply