Kahera hinoldap, sinaksak kritikal

ISANG kahera ng bakery ang pinagsasaksak makaraan itong holdapin bandang alas 12:20 ng madaling araw ng Sabado, Setyembre 10, sa bayan ng Balangiga, Eastern Samar.

Nagtamo ng pitong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Marialyn Anlor, 22.

Nukuha umano ng hindi nakilalang salarin ang P10,000.00 mula sa biktima kung saan masuwerteng nakahingi pa ng tulong sa kanyang katrabaho at kaagad itong naisinugod sa Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban City.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Balangiga PNP para sa agarang pagdakip sa suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply