Kahirapan dahilan sa pagiging ‘sex capital’ ng PHL

KAHIRAPAN ang itinuturong dahilan ng grupong Gabriela kaugnay sa naging pahayag ni US Ambassador to the Philippines Harry Thomas, Jr. na “sexual work tourism” ang Pilipinas.

Batay sa pagtataya ni Thomas, 40 porsiyento sa mga male tourist ang nasa bansa dahil sa sex tourism sa kabila ng pagiging modelo ng Pilipinas laban sa human trafficking.

Sinabi ni Gabriel Partylist Rep. Luz Ilagan na dahil sa kahirapan, may ilang travel agency na ginagamit ang mga magagandang Pilipina bilang instrumentong pang-akit sa mga dayuhan.

Kaya naman hinamon ni Ilagan ang bagong kalihim ng Department of Tourism (DOT) na sugpuin ang mga ganitong gawain na ang nagiging biktima ay ang mga kababaihan.

Nagpahayag naman si Thomas ng kahandaan nila na makipagtulungan sakaling may mga American national na mahuling sangkot sa human trafficking.

Pinayuhan din ni Thomas ang pamahalaan na amyendahan na ang umiiral na batas laban sa human trafficking. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply