Kahit isang araw lang

ANG daming nagreklamo sa bagong estilo ng mga nagpo-protesta sa kalye na humihiga sa gitna ng kalsada para hindi makaraan ang mga motorista.

“Planking” ang tawag sa bagong estilong ito ng pagpo-protesta pero marami ang naperwisyo at nagalit. Kung hindi ako nagkakamali ay nag-umpisa sa China ang “planking”.

Ito ay ang paghiga ng pataob na tuwid na tuwid sa harap o sa loob ng mga sikat na lugar at mga sikat na monumento o mga landmarks.

Ito ay paraan para mapansin sa internet.

Dito sa Pilipinas, ginamit na bagong paraan ng pagpoprotesta ang planking. Ang sabi ni Congressman Teddy Casino ng Bayan Muna maliit na perwisyo lang daw ito kumpara sa perwisyong bigay ng oil companies.

Ang tanong naman ng mga kumontra, naperwisyo ba ang mga kompanya ng langis sa ginawang paghiga ng mga kabataan sa gitna ng kalsada? Ang naperwisyo ay ang mga mamamayan na nagpilit pa rin na ituloy ang kanilang pang-araw-araw na gawain sa kabila ng problema nating lahat sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Naiintindihan natin ang intensyon ng mga raliyesta at ito ay ang kumuha ng atensyon para sa ipinagla-labang prinsipyo.

Marami sa mga isyu na dinadala ng mga nagra-rally sa mga lansangan ay mahalaga sa atin bilang mamamayan.

Pero hindi nila mapipilit ang lahat na makiisa sa isang protesta.

Para sa akin mas epektibo ang protesta kung isang araw na hindi bibili ng produktong petrolyo ang mga Filipino. Isang araw halimbawa na huwag tayong gumamit ng mga sasakyan natin, maglakad sa patutunguhan at ipagpaliban ang ibang lakad. Isang araw na walang benta ang mga gasolinahan, tiyak mapeperwisyo sila.

Hindi ito pilitan.

Masusubok pa natin kung kaya nga natin na hindi umalis sa loob ng isang araw para walang magamit na gasolina. Sa bahay lang muna bilang isang paraan ng protesta.

Kung maraming sasali ay mararamdaman ng mga kompanya ng langis na mahalaga pa rin sa kanila ang damdamin ng mga consumer dahil tiyak mararamdaman nila kapag bumagsak ang kanilang kita dahil sa dami ng sasali sa pa-nawagan na isang araw na hindi pagbili ng gasolina.

Maraming paraan ng pagpoprotesta alin ang mas sasalihan ninyo?

Mag text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag- email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong salobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply