Kahit kaharap ang ina, Sam Pinto bumigay

UNTI-UNTI nang pinapatunayan ng FHM Sexiest Woman ngayong taon (2011) na si Sam Pinto ang kanyang titulo, dahilan sa latest movie niya kasama si Cesar Montano, ang “Hitman” ay talaga po naman tumindi na sa pagpapasexy si Sam kumpara sa mga nakaraan niyang mga pelikula na pa-tweetums lang ang kanyang ginawa.

Sa isang panayam ay masayang kinuwento ni Sam ang kanyang kissing scene sa magaling actor. Sa kwento ni Sam, sinabi nito na first time raw niyang gumawa ng isang mainit na kissing scene, as in steamy and super hot kissing scene, in short laplapan. Super kabado raw ang kanyang byuti habang kinukunan ang kissing scene nila ni Cesar.

Magkagayunpaman masaya pang kinuwento ni Sam na nagawa naman daw niya ng maayos ang pinapagawa sa kanya ng kanilang director and to the height andun pa raw sa set ang kanyang mother dear na nagbabantay sa kanya.

Ayon kay Sam, nakagawian na raw ni Sam na isama lagi ang kanyang ina sa kanyang shooting at hindi naman daw ito nakikialam, andun lang ang kanyang madir para suportahan si Sam at maging inspirasyon ng sexy star.

Pabiro pa ngang sinabi ni Sam, para raw may guardiya siya sa kanyang mga leading man.

******

Nora Aunor, Vilma Santos nagkakaiwasan

NAKAKALOKANG isipin na sa tagal na nag-shooting ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa bayan ng Gobernadora Vilma Santos sa Batangas, ay hindi man lamang nagkrus o nagkita ang dalawang higante ng showbiz.

True to life, at yan din ang inamin ng Star for All Season, na kng maraming nananabik na makita muli silang magkasama ni Ate Guy, ganun din daw naman si Gov. Vilma Santos. Yun nga lang sadya raw atang hindi pa napapanahon ang pagtatagpo ng kanilang landas. Say pa rin ni Ate Vi sa isang panayam, may kanya-kanya kasing schedules sila ni Ate Guy at parehong magkaibang klase ng buhay meron silang dalawa sa ngayon at may prayoridad bawat isa.

Magkagayunpaman, madiing sinabi pa rin ng butihing gobernadora, naniniwala siyang isang panahon ay magkikita at magkakatsikahan din sila ng kanyang kumare at archrival noon sa showbiz.

Dagdag na say pa rin ni Ate Vi, mas maganda na raw yung biglaan na lang silang magkikita ni Ate Guy, yung hindi pinaplano para mas exciting ang kanilang pagtatagpong muli ng Superstar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply