Kahit magkasama na sa ABS-CBN: John di pinangarap na makasam si Janice sa isang proyekto

MATAGAL ding panahong nag-iwasan sa isa’t isa ang dating mag-asawang sina Janice de Belen at John Estrada. Hindi nila inalintana na may mga anak sila. Mas pinairal nila ang galit sa bawat isa, lalo na ang una na matindi raw talaga ang kinikimkim na sama ng loob sa ex-husband.

Ngunit last week ay wala nang nagawa si Janice kundi harapin si John nang tawagin sila on stage at ipakilala sa mga advertisers para isang trade launch na ginawa sa ABS CBN.

Wala raw nagawa ang dating misis nang sumampa ito sa entablado. Kailangan niya itong gawin dahil may bago siyang proyekto sa Kapamilya network- ito ay ang mini-series na “Budoy.”

Ayon naman kay Janice, wala na raw siyang pakialam na makita pang muli ang dating mister. Ang mahalaga raw sa kanya ngayon ay ang magkaroon ng trabaho para masuportahan ang mga anak.

Teka lang, ano ba ang ginagawa ng tatay? Balita namin wala na raw suportang ibinibigay si John sa kanyang mga anak? Well…

Anyway, kinabahan daw ang una nang muling ipakilala bilang Kapamilya star. Parang nanibago siya. Although, nandon daw ang excitement sa kanyang pagbabalik. Masaya siya’t napansin ulit siya ng dating pinasilbihang TV station.

Ano pa nga ba ang masasabi natin kundi goodluck Ms. De Belen?

Welcome back!

Kung bibigyan ka ng trabaho at makakasama mo ang kinamumuhiang dating asawa, tanggapin mo na lang. Sayang din ang kikitain. Sabi mo nga, trabaho ang hanap mo at hindi ang kung ano pa man.

Okey?

***

Eugene Domingo Aminado sa Kanyang mga Kasalanan

INAMIN ni Eugene Domingo na minsan ding lumaki ang kanyang ulo at nakalimot sa pakikisama sa mga kapwa niya artista. Pero lahat daw ay may pagbabago. Kung lumipad man siya nang mataas noon, ngayon daw ay nakasayad na siya sa lupa.

Kaya para sa mga baguhan na mabilis daw magkahangin sa ulo, tigilan na nila ito dahil wala silang mararating. Mas maganda kung pagtuunan na lamang nila ang kanilang mga talento. Paghusayan pa lalo para gumaling nang gumaling.

‘Yan ang advice ng inyong lola Uge. Hahaha!

Tayo naman ang magbigay nang payo kay Ms. Eugene, sana rin kung kukuha siya ng talent manager ulit at tsutsugihin lang niya sa bandang huli kapag in demand na siya ay huwag na lang.

Mahirap para sa isang manager ang ma-invest ng pagmamahal. Masakit ito lalo na’t pinatiyagaan mo ang isang talent na makilala at ginugol mo ang iyong panahon para rito pagkatapos ay babalewalain kana lang basta.

Bueno, kagaya nga nang sinabi natin sa bandang unahan, ibang-iba na ngayon ang mahusay na komedyanteng ito. Kaya naman mas lalo siyang pinagpapala. Katunayan, ang kanilang pelikula nina Toni Gonzaga, Zanjoe Marudo at Wendell Ramos na “Wedding Tayo, Wedding Hindi” ay kasalukuyang pinipilahan ngayon sa mga sinehan.

Ang husay naman kasi ng mga artista rito at ang direktor na si Jose Javier Reyes, gawa pa ito ng Star Cinema at OctoArts Film.

***

Mas kumita ang ‘Way Back Home’ kesa ‘Academy’ ek ng GMA Films

SA DAMI ng artista na kasali sa Tween Academy Class of 2012, ilan lamang dito ang makikilala mo, the rest, itatanong mo na kung sino sila, artista ba sila.

May mga kasama naman sanang mga beterano at may mga pangalan ng artista ang kaso mo, hindi nila binigyan ng pansin. Kahit ang kontrobersiyal at pinag-uusapang si Sam Pinto ay ginawa lang nilang parang saling-pusa sa pelikulang ito.

Okey lang kung isinentro nila ang promo kina Bea Binene, ang babaIng alanganing nene o dalaga ang mukha katulad ni Barbie Forteza at ‘yung mga lalaking parang pilit ang pagbibinata, pero sana binigyan din ng emphasize ang presence ng mga datihan at si Sam.

Oo nga’t tinitilihan sila sa mga mall shows…dahil libre ‘yun. Iba na ang usapan pag may bayad na. Di ba?

Mas kumita pa ang Way Back Home kahit kokonti lang ang mga bida (mga sikat naman). Kahit naunang ipinalabas ang pelikulang ito, nang sabayan ng Academy ek sa mga sinehan ay lamang pa rin ang pumapasok kina Julia Montes at Kathryn Bernardo.

‘Yan ang totoo.

‘Yun lang!

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply