Kahit nagbigay ng $1-M sa Japan, Pinas may pondo sa biktima ni ‘Pedring’

ITO ang ipinahayag Malakanyang sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) makaraang batikusin sa wala sa panahon na pagbibigay ng $1 million ayuda sa Japan na dumanas din ng krisis makaraang hambalusn ng tsunami at malakas na lindol ilang buwan na ang nakararaan.

Nilinaw ng Malakanyang sa Local Government Units (LGUs) na may sapat na financial assistance ang Pilipinas para sa mga nabiktima ng kalamidad at hindi iyon apektado sa ibinigay na tulong ng bansa sa Japan.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte, pagtanaw ng utang na loob ang pondong ibinigay ng Aquino government sa gobyernong Japan.

Bukod dito, wala naman aniyang dapat ikabahala ang publiko lalo na ang mga nabiktima ng bagyong Pedring dahil hindi naman nagpapabaya ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa tulong ng pinagsanib na puwersa ng DND, AFP, PNP, DSWD, DPWH at DILG na tulungan ang mga ito.

Ipinagmalaki rin ng pamahalaan na handa na ang Malakanyang sa pagpasok ng bagong bagyo sa bansa matapos ang bagsik ng bagyong Pedring.

“Yes prepared po tayo as early as yesterday nagbigay ang PAGASA ng warning may

possible papasok sa Philippine area of responsibility na nagbigay na ng

kaukulang area of coordination sa local govt even with Pedring we are in

contact with the affected areas,” ayon kay Usec. Valte.

Sa kabilang dako, lesson learned umano naman sa lahat ang basurang dahilan ng mataas na baha sa ilang lugar sa Kalakhang Maynila habang hinahambalos ng bagyong Pedring.

Kasunod nito, ipinaabot din ng Malakanyang ang pakikiramay sa pamilya ng 20 casualty sa bagyong Pedring.

Pangako naman ng gobyerno na agad na haharapin ang rehabilitasyon sa mga nasalantang lugar na dinaanan ng bagyong Pedring.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply