Kalahok sa shooting competition utas sa ambush

TODAS agad ang isang negosyante matapos tambangan ng apat na armadong kalalakihan habang ang una ay galing sa shooting competition, Linggo ng hapon, Setyembre 25 sa Brgy. Catmon Malabon City.

Dead on arrival sa MCU hospital sanhi ng tinamong maraming tama ng punglo ng uzi at kalibre 45 si Michael Lontoc Bandiola, 30, gun store owner, ng 21 C Hear Port St., Bahay Toro, Quezon City.

Ayon sa ulat, dakong 4:40 ng hapon nang tambangan ang biktima at rapiduhin ng uzi machine gun sa kanto ng MH del Pilar at Sanciangco St Catmon.

Si Lontoc ay kalahok sa ginaganap na 1st Vice Mayor Len-Len Oreta shooting competition sa Maysilo firing range .

Iniimbestigahan na ang motibo sa nasabing pamamaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply