Kalakalan sa pagitan ng Pilipinas, China palalakasin

PALALAKASIN ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Agriculture ang kooperasyon at kalakalan sa bansang China lalo na sa  probinsiya ng Jilin partikular sa larangan ng agrikultura at pangisdaan.

Ito’y matapos ang pakikipagpulong ni Agriculture Secretary Proceso J. Alcala kay dating  Chinese minister of agriculture Sun Zhengcai noong Huwebes (Setyembre 22) sa Maynila.

Si Sun ang kasalukuyang tumatayong Party Secretary ng Jilin, ang nangungunang agro-forest-mineral province sa northeast China dahil sa gross domestic product nito na mahigit $120 billion. Siya rin ang namumuno sa 15-kataong delegasyon ng China para sa pamumuhunan at kalakalan sa Plipinas.

Ani Alcala pinag-usapan nila ang teknikal na kooperasyon nila sa kalakalan sa agrikultura at pangisdaan upang maiangat ng dalawang bansa ang kalakalan hanggang US$ 60 bilyon sa susunod na limang taon.

Prayoridad aniya ni Pangulong Benigno Aquino III ang agrikultra na isa sa naging talakayan sa pakikipag-usap nito kay Chinese President Hu Jintao ng bumisita ito sa bansang China.

Sa kanyang panig, kinikilala ni  Sun ang Pilipinas na may malaking potensiyal sa kooperasyon nito sa sector ng agrikultura at pangisdaan.

Dagdag pa ni Sun na makakatulong aniya ang  China particular ang  Jilin sa technical assistance at pamumuhunan sa agri-fishery at pagtatayo ng irrigation at post harvest facilities sa mga kanayunan. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply