Kalbaryo ng sinibak na PAL flight attendants tapos na

TULUYAN nang napawi ang kalbaryo ng Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines (Fasap) makaraang paboran ng Korte Suprema ang pagbaalik sa trabaho ng may 1,400 flight attendants ng Philippine Airlines (PAL).

Ayon kay Bobby Anduiza, pangulo ng FASAP, makatuwiran ang naging final ruling ng high tribunal na  pumapabor sa mga tunay na naapi sa usaping ito.

Sinabi ni Anduiza na 400 sa mga apektadong flight attendants ang ini-recall subalit bilang bagong empleyado o new hires.

Dahil dito, inihayag ni Anduiza na naapektuhan na ang kanilang seniority at hindi rin ibinigay ang kanilang back wages.

Handa naman silang makipag-usap sa pamunuan ng PAL para pag usapan kung kailangang i-rehire o mabayaran ang may 1,000 flight attendants.

Ipinag-utos ng High Tribunal sa pamunuan ng PAL ang pag reinstate sa 1,400 flight attendants nito na una nang sinibak noong 1998.

Binigyang diin ng Korte Suprema na kailangan na nilang tapusin ang isyu upang hindi na magkaroon ng sigalot sa panig ng PAL at empleyado nito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply