Kamag-anak corporation ang nagpapatakbo sa Pasay

PAHAPYAW nating silipin ang pamamalakad ni onorabol Pasay City Mayor Antonio Calixto sa kanyang lungsod.

Dapat na malaman ng Pasayeños at Pasayeñas na ang pamamalakad ngayon ng liderato ni Mayor Calixto ay sa pamamagitan ng “Kamag-anak Corporation”. Kaya nga ang tawag ngayon sa Pasay City Hall ay ‘Calixto Corporation’ na.

Bakit kanyo? Naglipana kasi ang mga anak ni Mayor Calixto sa poder.

Si Mark Calixto ang tumatayong taga-aprub ng lahat ng mga ‘transaksyon’ na pagkakakuwartahan. Bukod kay Mark, sa City Hall din nag-oopisina ang isa pang anak ni Mayor Calixto na si Cha Calixto.

May mga kapatid din si Mayor Calixto na nagtatrabaho sa City Hall gaya nina Aling Letty at Thess Calixto na kapwa namamahala sa mga nagwawalis sa kalsada. Ang balita ko ay  kinukupit pa ng mga ito ang kalahating suweldo ng mga magwawalis sa halip na ibigay nang buo ng mga ito.

Sa City Hall din ng Pasay nagtatrabaho ang pinsan ni Calixto na si Mandy Bernabe. Executive Consuhol, este, Consultant siya ni  Calixto.

Alam ba ninyo na kung  makikita ninyo ang mamang  ito ay balot ng alahas ang kanyang katawan. Hindi nga  lang natin alam kung saan galing ang kanyang mga alahas .

Ikaw na ang humawak ng lahat ng mga club na ‘front’ ng prostitution sa Pasay City  pag hindi pati yagbols mo ay mabalot ng gintong hikaw. Hehehehe.

Pati yung pinsan ni Calixto na si Eboy Bernabe, inilagay na hepe ng operation ng CADAC pero ang bulung-bulungan sa Pasay ay addict daw sa… (kayo na ang mag-isip kung saan siya addict). Ehehe…

Ang akala ng mga taga-Pasay, kapag napalitan na ang mayor nila ay mababago na ang kanilang lugar pero nagkamali sila dahil mas masahol pa pala sa dating alkalde si Calixto.
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 0918927-4764, 09266719269 o i-email juandesabog @yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply