Kamara magbibigay pugay kay Shamcey Supsup

ANIM na resolusyon na agad ang naihain sa Kamara bilang pagpupugay sa tagumpay na nakamit ng Filipinang si Shamcey Supsup sa katatapos na Miss Universe Pageant Martes ng umaga (Setyembre 13) na ginanap sa Sao Paolo, Brazil..

Isa sa mga naghain ay si YACAP Rep. Jane Lopez sa pamamagitan ng House Resolution 1716 matapos maging third runner-up sa naturang patimpalak si Shamcey.

Nakasaad sa resolusyon ni Lopez, ang tagumpay ni Supsup ay patunay lamang na ang mga Filipina ay pang-world class ang kagandahan, talento at talino.

Dagdag pa sa resolusyon na ipinakita lamang na ang General Santos City na pinagmulan ni Supsup ay hindi lamang tahanan ng world class boxer kundi world class na kagandahang taglay ng mga Pinay.

Maging si General Santos City Rep. Pedro Acharon ay naghain ng resolusyon kung saan binanggit nito ang pagiging “proud” ng mga kababayan ni Supsup sa tinamong tagumpay.

Aniya, bukod sa paradang inihahanda para sa pagbabalik ni Supsup sa Mindanao ay isusulong din niyang maimbitahan ito ng Kamara upang pormal na bigyan ng pagpupugay.

Sinabi pa ni Acharon na si Supsup ay lumaki sa GenSan matapos na mag-migrate mula sa Marawi ang kaniyang mga magulang na parehong mga guro.

Maging si Cavite Rep. Lani Mercado ay maghahain din ng resolusyon ngayong hapon para kay Ms. Supsup.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply