Kamara walang pasok dahil kay ‘Pedring’

PASADO alas-8:00 ngayong umaga nang pormal ng suspendehin ni House Speaker Feliciano Belmonte ang pasok ng mga empleyado sa Kamara.

Ipinabatid ni House Secretary-General Marilyn Yap sa lahat ng mga kongresista at empleyado ng Kamara sa pamamagitan ng text brigade sa kani-kanilang section head na wala ng pasok ngayong araw.

Ito ay dahil sa pananalasa ng bagyong Pedring na kasalukuyang bumabayo sa Hilagang Luzon.

Nauna rito ay nag-text na rin si Ms. Rica dela Cuesta, head ng Communication Department sa Kamara, na nag-anunsyo ang Malakanyang na wala ng pasok sa lahat ng government offices.

Sinabi ni Yap na agad siyang inatasan ni Belmonte na ipamahagi ang impormasyon upang huwag nang magtungo ang mga mambabatas at mga empleyado ng Kamara sa Batasan Complex habang umiiral ang masamang lagay ng panahon.

Maging ang mga nakatakdang pulong balitaan at committee hearing sa Kongreso ay ipinagpaliban muna. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply