Kampanya sa IPR pinangunahan ng BOC

AKTIBO ang pamahalaan ng Pilipinas sa pagkumpiska sa mga pekeng produkto na karamihan ay galing sa Tsina bunsod ng malalaking halaga ng mga produktong nasamsam kamakailan sa pangunguna ng Bureau of Customs kaagapay ang Optical Media Board, Department of Trade and Industry at iba pang ahensya bilang pagtalima sa ipinapatupad na Intellectual Property Rights (IPR).

Ayon sa isang inter-agency secretariat on intellectual property enforcement, sa unang walong buwan ng 2011 ay mahigit P3.8 bilyon halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam. Ito ay mas mataas ng 62 porsyento sa katulad na panahon noong 2010.

Inaasahan din na ang mga nasamsam ngayong taon ay mahihigitan ang nasamsam noong 2009 na siyang pinakamalaking halaga ng nakumpiska na umaabot sa P5.68 bilyon.

Sinabi ni Chester Singco, pinuno ng inter-agency secretariat, na ngayong taon ay nangunguna sa listahan ng mga produktong nakumpiska ay handbags, wallets, backpacks, na may kilalang brand. Mga pekeng kasuotan at DVD at music CD ay kabilang din sa mga sinamsam.

Ang mga pekeng produkto ay kalat sa buong Pilipinas na harapang ibinebenta sa mga bangketa.

Sa kabila ng malawakang kampanya ng pamahalaan sa mga pekeng produkto ay nananatiling nasa lower level ng watch list ng US trade Representatives ang bansa, ibig sabihin hindi sapat ang kampanya ng bansa laban sa pamimirata. Ben Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply