Kampo ng emplyado ng Philpost pumalag sa isinampang kaso

PUMALAG ang kampo ni Luvelyn de Leon, empleyado ng Philippine Postal Corporation (Philpost) matapos na tuluyang masampahan ng kaso kaugnay sa iligal nitong pagbubukas ng package kasama ang isang empelyado ng Bureau of Customs (BoC) kamakailan.

Si De Leon ay nahaharap sa kasong qualified theft at infidelity in the custody of documents na isinampa kahapon (Lunes).

Ayon naman sa kanyang abogado na si Atty. Bernard Gregorio, handa nilang harapin ang kasong isinampa laban sa kanyang kliyente.

Gayunman, nadismaya ang kampo ni De Leon sa hindi anila pagsasagawa ng imbestiagsyon ng PhilPost bago nagsalita sa publiko.

Sa ngayon ay hindi pa rin matanggap ni De Leon ang kinakaharap na kaso at sinabing dedikado siya sa kanyang propesyon at trabaho.

Mariin pa rin niyang itinatanggi na wala siyang kinuhang pera sa binuksang package.

Aniya, papel lamang umano ang nasa loob at ibinigay niya ito kay Omar Said, emplayado ng BOC.

Sinabi rin ni De Leon na sa 23 taon niyang pagtratrabaho sa Philpost ay hindi siya nasangkot sa anumang anomalya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply