Kapalaran sa HK natagpuan (4)

SA loob ng apat at kalahating taon ni Sonia Zerrudo sa Hong Kong ay marami na siyang natutunan at napatunayan, kabilang na rito ang kanyang pagiging makabayan at mapagmahal sa kanyang bayang sinilangan. “What I do kasi is I never forget to remember it, parang hirap na hirap nga ako na i-give up yung citizenship ko. In my heart I’m a Filipino,” sabi ni Sonia.

Dahil sa mga reyalisasyon na natutunan ni Sonia mula sa pakikibaka sa ibang bansa ay naitatag niya at pinasimulan ang isang proyekto na kung tawagin ay ‘Lakbay Dangal.’ Isa itong proyekto na nagte-train sa ating mga kababayang OFW na maging tour guide sa mga lugar sa Hong Kong na napuntahan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal at sa mga lugar doon na may kinalaman sa ating
kasaysayan.

“I’m training OFW’s to be cultural historical guides. So for the past six months, I have  been  training  volunteers, kasi we’re forming a Philippine trail to be in Hong Kong kasi Jose Rizal lived here for six months, what we’re doing now is do a lot of research tapos imbes na mga nasa kalye sila, gusto namin ma-train namin sila na maging culturally, historically informed about Philippine history in Hong Kong, the significance, the links between two countries,” paliwanag pa niya.

Sa matagal niyang paninirahan sa ibang bansa, para kay Sonia ang proyektong Lakbay Dangal ay hindi lang isang libangan, kundi isang adhikain at pagtanaw ng utang na loob sa kanyang bayang sinilangan.

“Its like a walk for dignity and so that’s keeping me. It’s something that I’ve given out to the community and country.” Pagwawakas ni Sonia Sa kwento ng buhay ni Sonia Zerrudo ay natutuhan nating, saanman at anoman ang ating marating, huwag nating kalilimutan ang ating pinagmulan at ang bansang ating kinakatawan.

***

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: Biyaheng Langit/Kasangga Mo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply