Kapalaran sa HK natagpuan

MULA sa Paris, ay dinala ang Filipinang si Sonia Zerrudo ng kapalaran sa Yugoslavia, kung saan siya patuloy na naghanapbuhay sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga handi-craft na gawa sa Pilipinas. Bagama’t mahirap ang pa-mumuhay sa nasabing lUgar dahil bihira pa noon ang mga Asyanong nagtutungo roon ay ipinagpatuloy ni Sonia ang kanyang pakikipagsapalaran sa nasabing bansa.

Isang advertisement ang nagbukas ng pintuan sa kanya upang maging export coordinator ng lahat ng English speaking countries na kliyente ng kompanya dahil sa kanyang likas na kasipagan. “I would work, pag uwian na, lahat sila’y tumitingin na sa oras. Ako hindi, I would work until 8 o’clock. Pag wala na lahat kasi siyempre I’m the one coordinating deliveries with all the English-speaking countries. So I make sure that the goods are delivered on time,” kwento pa sa akin ni Sonia.

Dumating ang panahon na kinailangan nang kompanya ng isang country representative na ipadadala sa New York at pinalad na si Sonia ang maipadala sa nasabing lugar, doon ay muli niyang naipakita kung gaano siya ka-competent pagdating sa trabaho na naging dahilan upang siya ay i-pirate ng isang American Company.

Ang nasabing kompanya ang nagdala kay Sonia sa Asya, upang magbukas ng iba pang mga sangay. Dahil dito ay narating niya ang iba’t ibang lugar gaya ng Korea, Bangkok, Thailand, Berlin at Hong Kong.

Saanman tayo makarating o dalhin ng kapalaran, siguraduhin natin na tayo ay laging bukas sa mga oportunidad na maaring dumating at mga aral na maari nating matutuhan kagaya ni Sonia na sa ngayon ay naninirahan sa Hong Kong at doon ay kinikilala bilang isang matagumpay na sales manager. (May Kasunod)

*****

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kaba-bayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply