Kapalaran sa Hong Kong natagpuan (3)

MULA sa Europa patungo ng Asya ay nagsimula ang paglalakbay tungo sa tagumpay ng ating kababayang si Sonia Zerrudo hanggang sa matagpuan niya ang kanyang kapalaran bilang isang matagumpay na sales manager sa isang German company sa Hong Kong.

Sa aming pag-uusap ay inamin sa akin ni Sonia na hindi naging madali ang kanyang paninirahan sa iba’t ibang bansa.

Sa bawat bansang kanyang napupuntahan at tinitirahan ay kaakibat ang mga problema at kalungkutan.

Isinalaysay niya sa akin kung paanong ang bawat pagsubok at kapighatian ay may katapat na kaalaman at bagong karanasan na nakatulong upang maging matagumpay at matatag siya sa paglalakbay sa buhay.

“There’s a certain element of loneliness that you experience every time that you are in a new city, until you learn to appreciate people for who they are and not because of what they can bring you. I guess I learned the concept of equality.

“Living in the Philippines parang you’re always challenged by social status, living abroad, makes me see things in a very egalitarian manner.

“One thing that I’ve learned is discipline. I’ve learned to love the country more,” saad niya sa gitna ng aming pag-uusap.

Sa loob ng apat at kalahating taong pamamalagi niya sa Hong Kong ay marami na siyang natutunan at napatunayan kabilang na rito ang kanyang pagiging makabayan at mapagmahal sa kanyang bayang sinilangan.

***

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kaba-bayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO! (Itututloy)

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply