Kapalaran sa Hong Kong natagpuan

‘ALWAYS ON THE GO’- ‘Yan ang pinakaangkop na mga salita na makapaglalarawan sa Filipinang si Sonia Zerrudo na ngayon ay isang matagumpay na global sales manager sa isang German company sa Hong Kong.

Isinalaysay niya sa akin ang kanyang mga pinagdaanan, iba’t ibang bansang kanyang napuntahan at naging karanasan bago niya narating ang kinalalagyan niya sa ngayon.

Taong 1980 nang makatapos ng kursong International Studies si Sonia at makapagtrabaho sa isang kompanya na tinatawag na Phil Cite. Masaya si Sonia sa kanyang trabaho doon bilang isang organizer. “Sa Phil Cite enjoy na enjoy ako dun kasi nag-organize kami ng trade fairs, yung subastahan, baratillo, transportation show,” sabi ni Sonia.

Sa isa sa mga event na ito nagsimula ang swerte niya nang siya ay maimbitahan ng isang exhibitor na hanapin ang kanyang kapalaran sa Europa. Bagama’t kinakabahan sapagkat hindi pa niya alam ang kapalarang naghihintay sa kanya sa ibang bansa ay nanaig kay Sonia ang kanyang pangarap na makarating sa Europa, kung saan matatagpuan ang itinuturing na Fashion Capital of the world ang Paris, France.

Para kay Sonia ay isang panaginip ang kanyang naranasan, sapagkat bata pa lamang siya ay pangarap na niyang makarating sa Europa. “When I was in Elementary I had an Eiffel tower sharpener, I’ve always wanted to go to Europe,” dagdag pa niya.

Mula sa Paris, ay dinala si Sonia ng kapalaran sa Yugoslavia, kung saan siya patuloy na naghanapbuhay sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga handicraft na gawa sa Pilipinas. Bagama’t mahirap ang pamumuhay sa nasabing lugar dahil bihira pa noon ang mga Asyanong nagtutungo roon ay ipinagpatuloy ni Sonia ang kanyang pakikipagsapalaran sa nasabing bansa. (Itutuloy)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply