Kapalit ni Alvarez sa BoC ihahayag na sa Set. 16

NAKATAKDANG ianunsyo ni Pangulong Benigno Aquino III sa darating Setyembre 16 ang pangalan ng kapalit ni Customs Commissioner Angelito “Lito” Alvarez.

Ito umano ay pagtalima sa pakiusap sa Pangulo ng misis ng susunod na Customs commissioner na sa nasabing petsa na lamang isapubliko ang pangalan ng kanyang mister.

“Yung papalit kasi pinangakuan ko; may time out siya hanggang September 16. ‘Yong asawa niya na reluctantly pumayag, nakiusap na baka puwedeng may last few quiet moments. Parang anniversary yata nilang malapit-lapit sa 16,” paliwanag ni Pangulong Aquino.

“So, tutal naman may kalbaryong papasukan ‘yong tao, palagay ko naman ay hindi masyadong mabigat ‘yong hiniling niya na puwede bang bigyan niyo ako ng konting katahimikan muna,” anito.

Nauna rito, pinanindigan ng Punong Ehekutibo ang kanyang desisyon na palitan si Alvarez sa puwesto.

Para sa Pangulong Aquino, ang kanyang desisyon na palitan si Alvarez ay tama lang at may basehan.

Sinabi ng Pangulo na hindi siya kontento sa trabaho ni Alvarez.

Matatandaang naglabas ng kanyang hinanakit at sama ng loob si Alvarez dahil nabigyan umano ng maling impormasyon o “black propaganda” ang Pangulong Aquino tungkol sa kanya.

Ayon sa Pangulo, may mga prayoridad na hindi nagawa ni Alvarez sa loob ng isang taon.

Inihalimbawa nito ang mga nawawalang container van.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply