Kapitan ng sumadsad na fast craft pananagutin

TINIYAK ng Philippine Coast Guard (PCG) na panangutan ng kapitan ng fast Craft na sumadsad sa Lawis Ledge, Talisay City noong Sabado ng gabi habang patungo sa Cebu mula Tagbilaran City, Bohol.

Ayon kay Cebu Coast Guard Commander Rolando PUnzalan,ipauubaya na nila sa Maritime Industry Authority kung ano ang ipapataw na parusa kay Capt. Kim Caroro sakaling mapatunayang may pagkukulang sa kanyang panig.

Sinabi ni Punzalan na ang insidente ay hindi agad ipinagbigay alam ng kapitan ng Wessam Expresses 8 kung saan nailagay sa panganib ang buhay ng 208 pasahero at 13 crew nito.

Ang pangyayari ay saka lamang nalaman ng coast guard matapos makatanggap ng ulat mula sa isang Dexter Llamas na hindi naman pasahero ng nasabing barko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply