Karahasan sa paaralan tututukan ng DepEd

UPANG mapangalagaan ang mga mag-aaral sa pang-aabuso, eksploytasyon, diskriminasyon, at iba pang uri ng karahasan sa loob ng paaralan, isang comprehensive child protection policy ang ipalalabas ng Department of Education (DepEd).

Ipinaaalala ni Education Secretary Armin Luistro sa mga namamahala at mga personnel ng iba’t ibang paaralan na ang corporal punishment at anumang uri ng karahasan ay hindi pinapayagan sa mga paaralan maging bata o matanda ang may gawa nito.

Sinabi ni Secretary Luistro, “Muli naming inuulit na sinumang mapatutunayang gumawa ng karahasan sa mga bata ay lumalabag sa probisyon ng Batas Pambansa 232 at maaaring mabigyan ng kaparusahan kasama na ang pagkatanggal sa serbisyo.”

Ang comprehensive child protection policy ay sumasaklaw sa mga pamamaraan upang maiwasan ang anumang uri ng karahasan, mga proseso na dapat gawin sakaling may nagkasala, mga tuntunin na dapat sundin at kasama na rin ang referral sa ibang sangay o ahensiya ng pamahalaan.

Matatandaang nagpalabas ng memorandum ang DepEd noong 2006, ang Memo 297 Prohibiting Acts Constituting Violations of RA 7610 o ang “Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act at ang Family Code na nagbibigay limitasyon sa substitute parental authority na ginagawa ng ibang awtoridad ng DepEd.

Samantala, nananawagan naman ang DepEd sa mga magulang na tumulong sa kampanya laban sa karahasan dahil malaki ang papel na ginagampanan ng mga ito sa loob at labas ng kanilang pamamahay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply