Karjakin sinibak si So sa 2011 World Cup

SIBAK na si Pinoy super grandmaster Wesley So sa kanyang kampanya sa nagaganap na 2011 World Cup sa Khanty Mansiysk, Russia.

Napisak si No. 64 seed So, (elo 2658) kay top seed GM Sergey Karjakin, (elo 2788) ng Russia matapos ang dalawang tiebreak games, kagabi (Biyernes, Setyembre 2, petsa sa Pilipinas).

Nakatabla si So sa dalawang standard matches at sa unang tiebreak game bago yumuko sa pangalawang game sa 38 moves ng Caro-Kann defense.

Nakaungos si Karjakin ng 2.5-1.5 kaya naman umabante na ito sa susunod na round.

Hindi sinulong ni So ang paboritong French defense at pinili nitong itulak ang c6 opening upang sorpresahin ang kalaban subalit inatake naman siya ni Karjakin sa queenside upang biguin ang Pinoy chesser sa hangad nitong lampasan ang round-of-16 finish dalawang taon na ang nakakalipas.

Nakapasok sa quarterfinals ng World Cup noong 2009 si So matapos nitong pisakin sina world champion candidate GM Vassily Ivanchuk, (elo 2768) ng Ukrain at Gata Kamsky, (elo 2741) ng USA.

Maiuuwi ni So ang halagang $10,000 matapos umabot sa second round.

Sa unang round torneo, tinalo ni So si Ding Liren ng China, 2.5-1.5.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply