Kasal na lang ang kulang: Cristine Reyes, Rayver Cruz feeling magdyowa na

HINDI naitago ng guapong young actor na si Rayver Cruz ang labis niyang pag-aalala nang maospital ang girlfriend na si Cristine Reyes dahil sa dengue kaya nga ba ganun na lang daw ang kanyang labis na pasasalamat ng gumaling ang minamahal at back to work na ulit ang beauty nito. Kaya nga ba kung may libreng oras at nakakukuha ng tiyempo ay madalas na dalawin ni Rayver sa bahay si Cristine lalo na pag wala silang taping na dalawa para sa kanilang “Reputasyon.” Say pa nga ni Rayver nang aming makapanayam sa Star for A Cause ng PMPC na ginanap kamakailan ay open na open na kasi ang relasyon nila sa kanya-kanyang pamilya. Sa katunayan pa nga, kung gaano raw ka-welcome si Rayver sa tahanan nila Cristine, ay gayun din ang sexy young actress sa tahanan naman ng aktor.

Ayon pa rin kay Rayver, kaya kung may time rin lang si Cristine ay sa bahay rin nila ito nagpupunta. Pagdating naman sa usapang kasal, out daw muna silang dalawa ni Cristine sa bagay na ito, mga bata pa raw sila at marami pa silang gustong gawin  pagdating sa kanilang showbiz career.

***

OVERWHELM ngayon ang magaling na director na si direk Maryo J. delos Reyes dahilan sa super hit ng primetime soap na “Munting Heredera” na kanyang idiniderek. Super hectic nga raw ang kanyang schedule para sa naturang soap lalo pa’t extended na naman ito hanggang sa susunod na taon. Pero busy man sa pagdidirek, hindi pa raw niya kinalilimutan ang maging manager ng Maskulados Dos na nag-release ng kanilang bagong awitin na Hawakan Mo Na, composed ni RJ Jimenez ng PDA at ka-labtim pa noon ni Yeng Constantino.

Para magpromote ng bago nilang awitin, balik sa series of concerts ang Maskulados Dos. Dahil sa kasipagan ng grupo kaya hit na hit ang kanilang Jumbo Hotdog at Lagot Ka, Lagot Ka. Watch them at Pagcor Tagaytay on September 27. On September 29, they’ll hold it as Hawakan Mo Na, The Repeat in Library Malate, then hold it every month at Bulalo Fiesta: Hawakan Mo Na Ulit on October 29, Hawakan Mo Na Naman on November 19, and a new year show on December 29, Hawakan Mo Na Bago Pumutok ang 2012.

They also do a series of provincial shows, having just returned from Hasaan in Bukidnon, Misamis Oriental. Guest ng Maskulados Dos sa kanilang series of shows ang sexy star na si Ynez Veneracion kung saan ay game na game na nakipaghawakan ito sa hunk group. At para sa karagdagang kaalaman sa mga show ng Maskulados Dos saka for booking purposes (hindi po kasali yung booking na may halong kalaswaan), contact the company of Direk Maryo, Production 56, tel.# 372-4505, cell# 0917-972-5746, 0916-272-3414.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply