Kaso laban sa Arroyo admin gugulong na

GUGULONG na sa buwan ng Nobyembre ang pagsasampa ng kaso laban sa mga tiwaling opisyal noong Arroyo administration.

Ang pagsasampa ng kaso ay tiniyak ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino bagama’t may prosesong sinusunod at bahala pa rin ang Ombudsman na pag aralan kung may sapat na mga ebidensya sa mga nabubunyag na anomalya sa nakalipas na administrasyon.

Maliban sa paghahain ng kaso, babawiin din ng gobyerno ang mga ninakaw na pera sa gobyerno katulong ang Anti Money Laundering Council, tax garnishment at iba pang paraan para matukoy ang mga nakaw na yaman.

Tiwala naman ang Pangulo na makikipag tulungan ang Judiciary para umusad ang mga kaso at matiyak na may mananagot sa kaso.

Ayon sa Pangulo, hindi maaaring palampasin at kalimutan na lamang ang mga kasalanang nagawa sa nakalipas na siyam na taong panunungkulan ng Arroyo administration. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply