Kaso ng 2 Gilas Fil-Ams inareglo

NAREMEDYUHAN na ang kaso nina Marcio Lassiter at Chris Lutz matapos payagan ng International Basketball Federation (FIBA) na maglaro para sa Gilas-Pilipinas sa 26th FIBA-Asia Championship For Men sa Wuhan, China.

Ang naturang tugon ay nagmula mismo kay FIBA secretary-general Patrick Baumann na may petsang Sept. 18.

“After a review of all the documentation provided by your federation, I herewith authorize the players Marcio Lassiter and Chris Lutz to play for the national team of the Philippines without being subject to the restriction provided for in article 3-21,” pahayag ni Baumann sa dalawang pahinang desisyon.

Matatandaan na nagpahayag si FIBA-Asia deputy secretary general Hagop Khajirian na hindi maaaring maglaro ang dalawa.

Binanggit pa ni Khajirian ang probisyon sa FIBA internal regulations (Article 3-21) kung saan idineklara nga sina Lutz, 26, at Lassiter 23, na ineligible.

Sa naturang probisyon, inoobliga ang dalawang Fil-Ams na magsumite ng mga dokumento na sila ay Filipino citizen bago mag-edad 16.

Subalit ang desisyon ng FIBA, ayon kay Baumann, ay hindi nangangahulugan na hindi na umano susundin sa mga susunod pang mag-a-apply ang naturang probisyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply