Kaso vs dentist molester dumadami

NADAGDAGAN pa ang mga ikinaso sa mga nambibiktima ng dentista nang tumaas sa 15 dentista ang lumutang upang ireklamo ang pangho-holdap at pangmomolestya sa tanggapan ng Philippine National Police (PNP) laban kina Albert dela Cruz at Ronald Policarpio.

Sina Dela Cruz at Policarpio ay naging subject ng malawakang manhunt operation ng pulisya dahil sa kakaibang estilo nila ng panloloob, kung saan ang mga babaeng biktima ay kanila pa umanong pinagsasamantalahan o kaya ay minomolestya.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) intelligence chief S/Supt. Conrado Capa, inaasahan pa nilang madaragdagan ang bilang na ito dahil may iba pang mga biktima na tumatawag lamang ngunit hindi pa lumalantad.

Nitong nakaraang linggo lamang ay naaresto ang mga suspek at kanilang inamin na gumagamit muna sila ng droga bago ginagawa ang panloloob sa mga dental clinic.

Sa panig ng PNP, mas matimbang pa rin ang pahayag ng mga biktima dahil bukod sa napakarami ng mga ito na nagbibigay ng halos magkakatulad na reklamo, may mga ebidensya ring magpapatunay sa kaso laban sa dalawa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply