Katrina Halili apektado ang kabuhayan dahil sa pagkatigok sa teleserye

HINDI pala talaga alam ni Katrina Halili na titigukin na siya sa “Munting Heredera.” Bigla raw kasing pińatay ang character niyang si Lynette sa Munting Heredera nang walang pasintabi man lang. Ni hindi nga raw siya nasabihan na basta pag-report niya sa taping, titigukin na pala siya.

“Sayang nga, sana aabot pa ng January pero talagang ganyan, tanggap naman ni Kat, kaya lang nagtataka siya talaga,” sabi ng kausap namin.

Nalaman din naming sa kita sa MH umaasa si Kat at ngayong nawala siya sa naturang teleserye, malaking bagay ang mawawala sa kanya. Hopefully, bibigyan ng isang bago pero di pa siya sinabihan. So far, wala talaga as in blank wall ang kinakaharap ni Kat,” sabi pa ng kausap namin.

Sa ngayon, balak daw ni Kat na mag-concentrate muna siya sa mga out-of-town shows para kahit paano ay kumita siya. Sa ngayon kasi, malaki ang gastusin ni Kat na kailangang ma-maintain niya ito.

Kami rito, nakapagtataka kung bakit biglaan nga ang pagkatsugi kay Kat. Di kaya napulitika ang sexy actress dahil lately ay vocal siya against sa ilang taong umargabyado sa kanya? Inasmuch as malakas yung mga taong yun sa kanyang network di kaya minadyik ang role niya kaya tsinugi na? At this point, walang rason na tanggalin si Kat sa Munting Heredera na na-extend dahil nga mataas ang rating. Normally, kasi, kung mataas ang rating, bakit ka magpapalit ng characters na hindi mo pa subok?

Hindi ba, sino naman kaya pumulitika kay Katrina Halili?

***

Wonder Gays nawalan ng gana sa kabastusan at kayabangan ni Vice Ganda

NAGPAHAYAG ang Wonder Gays na talagang idol nila si Vice Ganda. Very inspiring nga naman ang buhay na pinagdaanan ng sikat na bading, who started from scratch hanggang ngayong naging number one sa popularity. Kumbaga, isa ang malditang bading kung bakit talaga inspirado sila.

Sa kanilang nakaraang launching ipinagmalaki nina Red, Blue, White, Pink, Green, Gray at Black na talagang hanga sila kay Vice. Na gusto sana nila itong makasama sa isang show. Pero nag-isyu ng violent reaction si Vice sa kanyang networking accounts saying na hindi raw niya ka-level ang Wonder Gays to the effect na hindi niya kinikilala ang mga ito. Yun bang sobrang nagsalita si Vice na yung kayabangan na naman niya ang umiral, tuloy nga ayan, nawalan ng gana ang mga bading sa grupo na very humble na nagsabing, kung ayaw nga silang maka-level ni Vice, di huwag. Pero mas lalo raw lumakas ang loob nila sa pang-aapi sa kanila ng monstrous gays.

“Maliit lang po kami, pero sana maging masuwerte kaming gaya niya. Hanga kami sa kanya na mula nga sa pagiging ordinaryong bading ayan siya ngayon, numero uno.

“Hindi kami nananalanging bumagsak siya, ang sa amin, sana naman, ngayong malaki na siya, maging humble siya at di lumayo sa kanyang pinanggalingan.”

Take note, malayo pa ang Wonder Gays sa puwesto ni Vice, umaasa silang baka naman makahabol sila. Sa ngayon, busy ang mga bading in promoting their album, Blind Item which carries four cuts na sinulat ni Blank Tape.

Also, nagpapasalamat ang manager nilang si Lito De Guzman. Na dahil sa lumalaking pangalan ng mga bading niya, malaking tulong sila sa sales ng Ferds Chicken Inasal sa Imus Cavite, sa harap ng Robinson’s. Nakapuwesto regualarly doon ang Wonder Gays.

***

Dahil sa drugs: Laos na sexy star at avenger aning-aning na

MADALI kayang mahulaan kung sino itong laos na sexy star at dating avenger ng isang network na naging magdyowa pero ngayon, hindi na tama ang ikinikilos dahil sa sobrang drugs sa utak.

“Halos wala na raw sa sarili ang dalawa who to maintain their vice, kailangang pasukin ang pagpuputa.

Kakatwa ang partnership nila, Bugaw ni babae si lalaki, bugaw naman ni lalaki si babae, together they make a little business at dito na nila kinukuha ang pambili nila ng drugs.

Si lalaki nga ay guwapo, merstizo at very promising noong kanyang panahon. Pero dahil likas na pasaway, addict, hindi na nabigyan ng tsansa.

Kahit paano naman, sumikat si sexy star na nai-launch na ng maraming beses sa ilang independent movies noon ng maliliit na producer. Pero kasabay niyang naghingalo ang mga independent na nagsipagsara na. Dahil nga likas namang may puta mentality ayun, dito na siya nag-concentrate, hanggang makilala niya’ng prodigal avenger who brought her into the world of drugs.

Ngayon nga, wala na sa tamang huwisyo ang magdyowa dahil sa kasisinghot ng shabu.

Walang clue, basta nakakaawa sila!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply