Kaunlaran: Sagot sa mga pag-aalsa sa Pilipinas

HINDI nakapagtataka ang basa o hula ng US Embassy sa Maynila na mahirap mapuksa ng Pamahalaang Filipino ang mga rebeldeng pulahan sa kabila ng malaking-malaki na alokasyon ng mga pondo at malawakang deployment ng mga tropa.

Sinabi ng noon ay Ambassador Kristie Kenny sa dalawang kableng ipinadala sa US State Department na ang kampanya ng pamahalaang Filipino laban sa Partido Komunista ng Pilipinas at sa armadong bisig nito, ang New People’s Army ay “mananatiling matagal at walang humpay.” Idinugtong pang, “walang nakikitang palatan-daan na magiging matagumpay ang kampanya ng militar laban sa mga rebeldeng pulahan sa malapit na hinaharap.”

Ibinulgar ng WikiLeaks, isang online whistle-blower, ang nilalaman ng sikretong mga kable na may petsang Hulyo 17, 2006 na nagsasabing walang progreso ang kampanya ng pamahalaan laban sa CPP-NPA sa kabila ng hangarin ng pamahalaang Filipino na magapi nito ang NPA sa loob ng dalawang taon.

Pinatutunayan mismo ng naging karanasan ng US sa giyera sa Vietnam na walang bisa ang solusyong militar sa problema ng communist insurgency na kinapapalooban ng isyung idolohiya: komunismo o kapitalismo/imperyalismo.

Magugunitang ginamitan ng US ng  mga makabagong kagamitang panggiyera ang komunistang Vietcong kabilang ang mapamuksang sandatang kemikal subalit sa bandang huli nagtagumpay pa rin sila sa pakikipagdigma laban sa militar na Amerikano.

Minsan ay nabanggit ko sa kolum na ito na kailangang repormahin ng kapitalismo ang sarili nito bago gawin ito ng iba sa pamamagitan ng dahas. Sa tulong at bisa ng mga batas ay maaaring kontrolin ng estado ang katakawan at kasibaan ng mga kapitalista sa kanilang tubo na tulad ng mga dambuhalang kompanya ng langis, tubig at kuryente.

Sa panig ng gobyerno ay tama lang na pansamantalang pakainin nito ang mga taong sumasala sa oras sa pamamagitan ng programang pantawid-buhay o Conditional Cash Transfer, na isang uri ng pagreporma sa kapitalismo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply