Kean Cipriano virgin pa raw sa bading? Ows?

PINALAKPAKAN ang beterano’t respetadong aktor na si Eddie Garcia ng entertainment press sa presscon ng Praybeyt Benjamin na pinagbibidahan ni Vice Ganda mula sa Star Cinema at Viva Films sa direksyon ni Wenn Deramas showing on October 12.

Diretsong kinumpirma ni Eddie ang sinabi niya sa isang interbyu sa kanya noon na nagkaroon na siya ng sexual experience sa gay. Andami-rami kasing artistang lalaki ngayon na kapag ganitong usapin na, e, super deny or iiwas na sa pagsagot.

Sey ni Eddie, “During my younger years, I was 15 then. Kailangan lahat ng bagay sa mundo kailangang subukan mo.”

Kaya hayun, nu’ng tinanong na ang iba pa’ng male stars sa cast ng Praybet Benjamin na sina DJ Durano at Carlos Agassi, palakpakan na ang mga manunulat sa pag-amin din nila. Habang si Kean Cipriano naman ay sinabi na wala pa siyang experience with gay. Dahil para sa kanya ang mga bakla raw kasi ay masasaya.

Hindi rin nakaligtas ang bida ng Praybeyt Benjamin sa tanong kung nagkaroon naman siya ng experience sa babae. Inamin naman ni Vice na mga apat o lima ang babaing nakarelasyon niya noon pero hanggang kiss lang daw at walang sexual experience.

Isa pang admission ni Vice na ginawa sa nasabing presscon ang pagkakaroon niya ng sexual experience sa ilang male stars. Pero syempre, wa na reveal ni Vice kung sino-sino sila.

oOo

CLUELESS ang Ultimate Multimedia Star at “The Buzz” host na si Toni Gonzaga sa kung sino na ang magiging hosts ng Pinoy Big Brother. Maugong na kasi ang balita na magsisimula na ang dati niyang kasamahan sa PBB na si Mariel Rodriguez na magho-host sa programa ni Willie Revillame sa TV5.

Maging si Toni rin ay ‘di sure kung pati siya ay magho-host pa rin ng sikat na reality show ng ABS-CBN. Nawala rin kasi noong 2006 si Toni sa PBB. Tinanggal siya noon ng management kasi nag-desisyon sila na ilagay si Toni sa movie na “You Are The One.”

“Pero dahil nga may movie, parang hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ‘yung tampo. Sabi ko, may movie naman, sige na nga. And eventually, ibinalik din naman ako sa PBB. Kaya natuwa naman ako,” tsika ni Toni nu’ng makausap namin siya sa The Buzz last Sunday.

Nagtataka naman ang marami kung bakit ilang araw na nilang hindi napapanood si Toni sa Happy, Yipee, Yehey! Duda ng iba, tulad ng kaibigan niyang si Mariel Rodriguez lalayasan na rin niya ang programa.

Sabi ni Toni sa amin na ‘di nga raw muna siya aapir sa HYY dahil one week niyang ipapahinga ang kanyang boses para sa concert niya sa Araneta Coliseum. Itinanggi rin niya ang tsismis na mawawala na ang HYY.

“Baka dahil may nawala lang. May nawala lang na isa, mawawala na lahat,” sabay tawa ni Toni.

Sa huling meeting daw nila noong Sabado, Masaya naman daw sila at todo ang suporta sa kanila ng istasyon. And they’re still trying to give a good show sa viewers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply