Kelot binoga ng Demonyo sa Caloocan, kritikal

KRITIKAL ang isang kelot matapos barilin ng alyas Demonyo habang ang una ay naglalakad kasabay ang ilang tanod sa Caloocan

City Miyerkules ng madaling araw, Setyembre 14.

Inoobserbahan sa Manila Central University hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si Jesus De Leon, 49 ng Salmon St., Dagat-dagatan ng lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspek na nakilala sa alyas Boboy Demonyo at dalawang hindi pa kilalang kasama.

Batay sa ulat, dakong 12:15 ng madaling araw, naglalakad ang biktima kasabay ang ilang barangay tanod sa Salmon St., nang sumulpot ang mga suspek at putukan ni Demonyo si De Leon.

Tinutukan ng mga baril ng mga suspek ang mga tanod kung  kaya hindi na sila hinabol sa pagtakas.

Dinala naman ang biktima sa nasabing ospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply