Kelot huli sa pang-uumit ng papaya soap

DINAKIP ang isang lalaki matapos mahuling nagnakaw ng papaya soap sa isang supermarket sa Caloocan City Lunes ng gabi, Setyembre 5.

Nakilala ang suspek na si Bryan Asuncion, 26, ng Bagong Barrio ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi, pumasok ang suspek sa Ultra Mega Supermarket sa Sangandaan ng naturang lungsod at kumuha ng papaya soap na nagkakahalaga ng P32.50.

Sa halip na dumaan sa cashier ay dumiretso ang suspek na palabas ng supermarket subalit nakaabang ang guwardiya at sinita si Asuncion.

Walang maipakitang resibo ang suspek kaya agad na dinala siya sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply