Kelot kritikal sa saksak

KRITIKAL ang kalagayan ng isang lalaki matapos dalawang ulit saksakin ng ice pick ng kanyang kapitbahay bunga ng matagal na alitan nang magkita ang landas nila sa isang parking space nitong Biyernes ng gabi, Setyembre 16, sa Tañong, Malabon City.

Ang biktima na nakaratay at ginagamot sa Pagamutang Bayan ng Malabon ay nakilalang si Reynaldo Ermac ng C. Perez st., Barangay Tonsuya ng nasabing lungsod.

Arestado naman at nahaharap sa kasong frustrated murder ang suspek na si Rolando Marquez, kapitbahay ng biktima.

Ayon sa ulat, ganap na alas-11:20 ng gabi ng maganap ang insidente sa isang parking space sa Malabon Market sa Tañong, Malabon City.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, matagal na alitan ang ugat sa pagtangka ng suspek na patayin ang biktima. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply