Kelot kulong sa boga sa Caloocan

SHOOT sa kulungan ang isang kelot matapos mahulihan ng baril sa isinagawang Oplan Sita sa Caloocan City Miyerkules ng gabi, Agosto 31.

Nahaharap sa kasong illegal possession of firearm si  Danilo de Jesus, 41 ng Kaunlaran Village ng lungsod.

Base sa ulat, dakong 11:35 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga pulis sa Landaska St., nang maispatan ang suspek at kapkapan.

Nakuhanan ng kalibre .45 ang suspek at nang hanapan ng papeles ay walang naipakita na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

Inaalam na rin ng mga pulis kung nasangkot sa illegal na gawain ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply