Trike driver nagbigti dahil sa sakit sa baga

MAKARAANG hindi makayanan ang matagal ng karamdaman na dinadanas dahil sa sakit sa baga, isang lalaki ang nagbigti sa loob ng inuupahang bahay sa Quezon City kaninang umaga (Lunes, Setyembre 12).

Kinilala ang biktima na si Jesus Itim, 57, tricycle driver, tubong Bohol, at umuupa sa Isabela St., Barangay Ramon Magsaysay, Q.C.

Ang bangkay ng biktima ay natagpuang wala ng buhay sa loob ng kanyang bahay habang nakatali sa leeg at sa kiasame ang nylon cord na ginamit nito sa pagpapakamatay.

Ayon kay SPO1 Nino Castillo desk officer ng Quezon City Police District station 2 Masambong, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong 6:00 ng umaga.

Base sa ulat, may dalawang buwan na ang nakalilipas matapos malaman ng biktima na may sakit siya sa baga at mula noon ay napansin ng mga kapitbahay nito na naging malungkutin ito, na siyang hinihinalang dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima.

Inaaalam pa rin ng mga awtoridad kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply