Kelot nagselos: negosyante tinepok sa internet cafe’

PINATAY ang isang negosyante sa kanyang mismong internet café ng isang lalaki na hinihinalang nagselos sa biktima kaninang madaling-araw sa Iloilo.

Nakilala ang biktima na si Ian Castillo, 29, ng San Antonio, Oton, Iloilo.

Nabatid na nilooban ang internet café nito sa MH Del Pilar, Molo, Iloilo City habang natutulog ang biktima sa loob ng establisiyimento ng isang ngngangalang Bony Dusaran, residente ng Bolilao, Dumangas, Iloilo, at pinagbabaril sa ulo Ian.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, pagseselos ang sinusundang motibo sa insidente matapos lumabas ang impormasyon na may relasyon umano ang biktima sa live-in partner ng suspek na nakilalang si Ruth May Dungon.

Bago nangyari ang insidente, namataan ang suspek na tumatambay sa loob ng internet cafe.

Matapos mapatay ang biktima, tinangay pa ng suspek ang cellphone ng biktima at cash na tinatayang nasa P50,000.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply