Kelot patay sa hawak na granada

ISA ang patay habang isa ang sugatan sa pagsabog ng granada sa bayan ng San Nicolas sa Ilocos Norte.

Ayon kay Chief Inspector Jay de Guzman, hepe ng San Nicolas Police, sumabog ang granada habang hawak ng 26-anyos na si Nathaniel Pascua na nalasog ang katawan.

Aniya, may nakaalitan sa bar si Pascua kaya umuwi ito ng bahay para kunin ang granada subalit habang pabalik ito lulan ng motorsiklo ay aksidente itong sumabog.

Isang hindi pa nakilalang 18-anyos na lalaki naman ang nasugatan sa pagsabog.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply