Kenyan nanguna sa CamSur 42k biggest race

KENYAN athletes ang nanguna sa pinakamalaking marathon sa Pilipinas na isinagawa sa Camarines Sur at nilahukan ng 21,000 foreign at local athletes.

Kabuuang P1,440,000 ang premyong ipinamigay sa overall at local winners sa CamSur Marathon 2011 para sa mga kategoryang 3km, 5km, 10km, 21km at 42km.

Dinomina ng dalawang Kenya athletes ang overall race category sa 42km kung saan nakapagtala si Nathan Naibei ng total time na 2:25:14 habang tinapos naman ni Rose Jepkemboi Chesire ang kompetisyon sa kabuuang oras na 2:50:26.

Iuuwi naman ni Eric Panique ng Antipolo ang unang pwesto para sa 42km local competitors sa mga kalalakihan (2:28:03) habang ang Cebuanong si Mary Grace Delos Santos naman ang nanguna sa mga kababaihan na natapos ang race sa oras na 2:59:53.

Pinagharian naman ng mga Ethiopians na sina Mikael Kahsay (1:10:57) at Genet Agtew (1:22:22) ang over-all race para sa 21km ng male at female category habang nanguna ang local athlete na si Abraham Missos (33:23) sa 10km male category at ang Kenyan na si Susan Chepkowney sa mga babae nang maigupo ang race sa oras na 41:22.

Si Ramy Lacson ng Diliman, Metro Manila ay nanguna naman sa 5km male (16:22) habang ang mga kababaihan sa naturang kategorya ay dimonina ni Leonelyn Raterta sa kabuuang oras na 20:51.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply