Kenyan national timbog sa droga

ARESTADO ang isang Kenyan national makaraang mahulihan ng tatlong kilo ng hinihinalang shabu sa Mactan Cebu International Airport

Naaresto ng mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI)-7 ang dayuhan na kinilalang si Asha Atieno Oguto, 24-anyos, nang dumating ito sa MCIA alas-4:00 kahapon ng hapon (September 29) sakay ng Qatar Airways Flight mula sa Doha, Qatar.

Nakuha mula sa bagahe ni Oguto ang dalawang plastic ng puting substance nang isagawa ang inspeksyon.

Naniniwala ang NBI na may local contact ang Kenyan national na siyang sasalubong sana dito.

Samantala, dismayado naman ang NBI dahil ayaw makipag-cooperate ng management ng Qatar Airlines para malaman ang rekord ni Ogutu na gagamitin sa kanilang imbestigasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply