Kesehodang naiintrigang two-timer, labs pa rin ni Matteo si Maja

TOTOONG tao si Matteo Gudicelli, no’ng humarap siya sa “The Buzz” para isalaysay kung ano ang punu’t dulo at kuwento kung bakit humantong sa sapakan ang pagkikitang ‘yon sa Star Magic Ball with lovey Maja Salvador at ang kaengkuwentrong si Coco Martin.

Inamin ng aktor at co-host ng “Happy,Yipee,Yehey” na nakainom ito at may nagawa siyang bagay na na-misinterpret  ni Coco , mga bagay na hindi nagustuhan ng huli na nag-trigger ng bugbugan.

Inakbayan ni Matteo si Coco para ayain sa labas to explain na sila na nga ni Maja at kung anuman yong feelings ni Coco sa dalaga, kalimutan na lamang niya ito.

Una nang nagpaliwanag si Matteo sa Happy, Yipee, Yehey at akala nga ng marami, hanggang doon na lamang ito magsasalita? Pero, nu’ng tanungin siya ng The Buzz kung gusto pa nitong i-explore ang mga behind-the-scenes  sa gabing yon, nagpaunlak ang guwapong car racer turned actor-host.

Pinayagan ng Star Magic si Matteo na magsalita sa The Buzz at hindi rin ito nagdalawang-isip na linawin ang lahat, ang real score between him and Maja at kung gaano niya kamahal ang dalaga.

***

THE Matteo interview of Matteo with kuya Boy Abunda saves Maja from being called two-timer, na pinagsasabay-sabay nito ang mga boypren kahit pa noong panahon nina John Wayne Sace at Jason Abalos?

“Mahal na mahal talaga ni Matteo si Maja at gagawin niyang lahat para linisin ang pangalan ng GF,” tsika sa amin ng aming source sa ABS.

All’s well sa pagitan nina Matteo at Maja at sa katunayan, namataan silang magkasama after the  premier night  ng “Thelma,” last Monday sa Glorietta, two days af- ter the incident. “Hinintay ni Matteo si Maja after the premier at nag-dinner pa ang dalawa pagkatapos,” sey ng aming source.

Inaaya pala ni Maja si Matteo na umakyat sa sinehan, but Matteo refused dahil moment ito ng gf at ayaw niyang makasapaw sa eksena, kung meron man.

***

HETO pa ang  isang relasyong iniintriga, ang John Prats-Bianca Manalo. Ayon sa tsika ng aming source, ninenega ng kabilang kampo si Bianca dahil anila’y aamin din pala, bakit hindi pa noon?

“Paanong aamin e, wala namang aaminin?” depensa ng isang nagmamalasakit kay Bianca.

Noon daw unang magkakilala at magkasama sa programang Happy, Yipee, Yehey sina John at Maja, naiilang ang dalagang beauty queen dahil of all people, bakit pa si John ang itinutukso sa kaniya? Obviously, malaki ang agawat nila sa height at maging sa edad?

“Kung nanliligaw si John, or let’s say, may something between them, ngayon lamang na-develop ‘yon.” paglilinaw ng aming kausap.

Hindi naman siguro gimik lamang ang pagkakamabutihan nina John at Bianca dahil hindi raw sanay si Bianca na inili-link siya kung kani-kanino, at kay John pa?

Kung male models sana, baka maintindihan pa natin kung bakit puwedeng-puwede? Puwedeng-puwedeng magkatuluyan?

Ayon pa sa aming source, kung kilala sana nila sa totoong buhay ni Bianca, napaka-conservative nito. Kung puwede nga lang daw, haranahin siya ng sinumang guy na nais manligaw sa kaniya. O, di ba, may ganun si Bianca?

***

HUSBAND-wife ang role nina Ina Feleo at Jomari Yllana sa pelikulang “Ikaw Ang Pag- Ibig,” na handog ng Star Cinema, Archdiocese of Caceres, Marilou Diaz-Abaya Film Institute at ng Art Center. Sa kuwento ng Ikaw ang Pag-Ibig, umiikot ang kwento sa  isang career woman na si Vangie Cruz (played by Ina) na ang buhay ay biglang makararanas ng pagbabago nang ang kaniyang kapatid na newly ordained pa lamang na pari, si Father Johnny (played by Marvin Agustin), ay na-diagnose na may acute Myeloid Leukemia.

Si Vangie ngayon ang nakikitang magiging donor para sa bone marrow transplant para mabuhay si Fr. Johnny ngunit gusto niyang (Vangie) tumanggi hanggang sa unti-unti itong nakakaramdam ng pressure mula sa sariling pamilya.

Dagdag pa riyan ang pangungulit ng kapatid na doktor na si Dr. Joey Lucas (Yllana) para magpakasal sila dahil nga siya ang ama ng kanilang love child.

Ang gulu-gulo ng kinasapitan ng pamilya at isa ito sa mga dapat panoorin sa Ikaw ang Pag-ibig, na nagsimula na ngayong araw na to, Miyerkules, September 14.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply