KFR leader Alonto Tahir todas sa sakit

INANUNSYO ngayon (Sabado, Setyembre 10) ng Maguindanao Philippine National Police (PNP) na nakatanggap umano sila ng ulat na patay na si Alonto Tahir, ang kilabot na leader ng kidnap for ransom group (KFR) sa Central Mindanao.

Sinabi ni Senior Supt. Marcelo Pintac, PNP provincial director ng Maguindanao province, namatay umano si Tahir sa lungsod ng Iligan habang ito ay nakaratay sa ospital.

Ibiniyahe na papuntang Maguindanao ang bangkay nito upang ilibing.

Gayunman, sinabi ni Pintac na hindi pa nila masasabing totoong namatay na talaga si Tahir hangga’t hindi nila nakikita ang bangkay ng wanted na leader.

Sa hiwalay na impormasyon, sinasabing namatay si Tahir dakong alas-3:00 kaninang madaling araw sa Langapjanan, Sultan sa Barongis, Maguindanao dahil sa heart attack at diabetes.

Una na ring naiulat na namatay si Tahir ilang taon na ang nakakaraan dahil din sa sakit na diabetes ngunit pinabulaanan mismo ito ni Tahir.

Si Tahir ang sinasabing utak sa mga pagdukot sa mga Filipino-Chinese traders sa Central Mindanao.

Ilan sa mga naging biktima nito ay ang negosyanteng si Nelson Tay na dinukot sa Maguindanao noong Agusto 2010 at Conchita Tan na dinukot naman noong Oktobre 2010 sa Cotabato City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply