Kinandaduhan ng ina: paslit tusta sa sunog

NASAWI ang isang 2-anyos na babae na iniwang mag-isa at kinandado pa ang pinto ng mismong ina nito makaraang matusta at pumutok ang ulo sa naganap na sunog sa Naga City kaninang madaling-araw, Setyembre 5.

Nabatid na nasunog ang dikit-dikit na kabahayan sa Gomez St., Barangay Sabang kung saan natagpuan naman ang bangkay ni Baby Pango sa inookupa nilang kuwarto.

Kinaugalian na umano ni Mylene, ina ng biktima, na iwan ng nag-iisa ang kanyang anak upang maghanapbuhay bilang isang GRO.

Samantala, napag-alamang gawa lamang sa mga light materials ang dalawang bahay kung kaya’t mabilis na kumalat ang apoy.

Nagmula ang apoy sa kuwartong inookupa ng mag-ina dahil pinutulan umano ito ng kuryente at kagabi bago umalis si Mylene, iniwan nitong nakasindi ang isang kandila.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply