Klase bukas suspendido na

SUSPENDEDO na ang klase sa elementarya at highschool sa National Capital Region bukas ayon sa Department of Education (DepEd).

Ang klase ay sinuspinde dala na rin ng lalong paglakas ng Bagyong Pedring.

Sa pinakahuling babala ng weather bureau, napanatili ng bagyong Pedring ang lakas nito habang patuloy na umuusad papuntang Isabela at Aurora.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 110 kilometro bawat oras at may pagbugso ng hangin na umaabot ng 140 kilometro bawat oras.

Umuusad ito ng pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 17 kilometro bawat oras.

Inaasahan tatama ang mata ng bagyo sa kalupaan ng Aurora-Isabela bukas ng umaga, Martes.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply