KMU lalahok sa kilos-protesta bukas

LALAHOK ang Kilusang Mayo Uno (KMU) bukas, Setyembre 19, sa isasagawang transport strike ng iba’t ibang militanteng organisasyon.

Ayon kay KMU Chairman Elmer Labog sa panayam sa dzMM, kaisa ang sektor ng paggawa sa panawagan ng mga tsuper na magpatupad ang mga kumpanya ng langis ng bigtime P9 rollback sa mga produktong petrolyo, pagbuwag sa Oil Deregulation Law at pagbasura sa ipinapataw na buwis sa langis.

Sinabi ni Labog na ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ang dahilan kaya tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin na nagiging sanhi naman ng pagdami ng mga mahihirap sa bansa.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply