Knights pasok na sa Final Four

HALOS maabot na ng Letran Knights ang pangalawang puwesto sa team standings matapos nilang pagpagin ang guest team Lyceum of the Philippines Pirates, 88-74, sa second round eliminations ng 87th NCAA seniors basketball competition sa The Arena sa San Juan kahapon, Setyembre 9.

Nagpakita ng all-around performance si Kelvin Louie Alas upang iangat ang Knights sa ika-pitong sunod na panalo.

Tumipa si Alas ng career-high 29 points at 11 assists at sinamahan pa ng limang rebounds at tatlong steals sa 34 minutong paglalaro.

Nananatili sa third spot ang Letran na may 11-2 baraha at muling nakarating sa Final Four sapul nang mawala noong isang taon.

Nasa second spot ang defending champion San Beda College Red Lions na may 10-1 win-loss slate habang malinis pa rin ang San Sebastian College Stags na may 13 wins matapos kaldagin sa second game ang College of Saint Benilde Blazers, 86-70.

Iginiya ni Calvin Abueva ang Stags sa panalo matapos mangalabaw ng 27 points at 20 rebounds.

Tinarak ni top MVP contender Abueva ang ika-32 career double-double kung saan ay kulang na lang ng dalawang assists para ilista ang triple-double.

Si 6-foot-6 Ian Sangalang ay nag-ambag ng 20 points at 11 rebounds habang sina Ronald Pascual at Jovit Dela Cruz ay may tig-11 markers para sa Stags.

Magkasalo sa fifth to sixth spot ang Pirates at Blazers na may tig 5-8 record.

Sa juniors, may 10-3 slate ang Squires nang talunin ang Junior Pirates, 83-37. Umangat din sa 10-3 ang CSB-La Salle Greenhills Junior Blazers nang panain nito ang Staglets, 82-53. Elech Dawa

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply