Koko nababahala sa paglaganap ng sex tour syndicate

PINAKIKILOS ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel ang mga awtoridad na paigtingin ang kampanya laban sa sex tour syndicate.

Ito ang naging panawagan ni Pimentel sa pamunuan ng Philippine National Police dahil sa talamak na sex trade at prostitution.

Naniniwala si Pimentel na naglipana ang sex tour organizers at operators sa bansa na responsable sa dumaraming bilang ng mga babaeng nagbebenta ng aliw kung saan ang mga nabibiktima ay mga dayuhang turista.

Ani Pimentel, sinasamantala ng mga sindikato ang kawalan ng muwang ng mga kababaihan at ang kahirapan na nararanasan ng mga ito.

“It is high time that law enforcers must pursue the organizers and operators of sex tourism who are the real culprits,” diin ng senador.

Binigyan diin ni Pimentel na sa ilalim ng RA 9208 o law against trafficking in persons act ay mahigpit na pinagbabawal.

Nababahala ang senador sa tinatawag na “sex tourism” na isang organisadong programa na isinasama ng ilang travel and tourism-related establishments.

Kabilang umano sa sex tourism package ay ang sexual services na inaalok sa panahon ng pagpapahinga at pagliliwaliw ng mga turista partikular ang mga miyembro ng militar.

Dahil dito, pinayuhan ni Pimentel ang mga awtoridad na higpitan at paigtingin ng husto ang batas laban sa sex trafficking campaign na kung saan ay nagmimistulang nagpo-promote ng sex tourism ang Pilipinas. Vicky Cervales

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply